Blog EntryBUGSAY Apr 23, '08 3:49 AM
for everyone
by Erick Padilla
For Pinoy Parazzi  Feb 22-24, 2008 Issue
 
Dito sa Boracay, walang hindi nakakaalam kapag sinabing 'Bugsay'.  Sila ang grupo o koponan na nakapagbigay na ng karangalan, hindi lang sa islan ng Boracay, kundi maging sa buong bansa.  Nakikipaglabanan ng lakas ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagwan sa mabigat na bangkang pangarera sa dagat, ang tinatawag na DRAGONBOAT.
 
Kung saan-saan na rin napapadpad ang grupong ito upang makipagkumpetensiya at itayo ang bandila ng Boracay at ng bansa.  Taon-taon din silang lumalahok sa Stanley Dragonboat Race ng Hing Kong kung saan nakakakuha sila ng magandang puwesto sa naturang paligsahan.
 
Sumali ang grupo kamakailan sa World Dragonboat Championships na ginanap sa Australia.  Hindi man nakuha ng Bugsay ang inaasam na ginto, naabot naman nila ang ika-7 pwesto sa dami ng mga bansang lumahok sa competition. 
 
Binubuo ang grupo ng iba't ibang tao dito sa Boracay, babae at lalaki, na puspusan ang ginagawang pag-eensayo ngayon, dahil nalalapit na naman ang tournament sa isla na taunang isinasagawa - ang Boracay International Dragon Boat Race - na nilalahukan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang bansa, at mga koponan mula sa Pilipinas kagaya ng CamSur, Team Philippines, at mula sa mga eskwelahang madalas na sumali sa torneo tulad ng University of the Philippines, University of Sto. Tomas at De La Salle University.
 
Isa nga sa pinakaaabangang event dito sa Boracay ang nasabing paligsahan na dinudumog talaga ng mga turista at manonood, kaya naman buhay na buhay ang mga negosyo ng hotel at restaurant sa isla.
 

Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help